#Configuration Guide# Sangfor VDI Report Center Installation_Filipino
  

jetjetd Lv5Posted 03 Aug 2022 01:38

Last edited by jetjetd 03 Aug 2022 01:44.

Pag Install ng Sangfor VDI Report Center



Produkto: VDI

Mga Kinakailangan:


Hakbang na Gagawin——

Unang hakbang.  Gamit ang PC na naka Windows Server 2012 o pataas na bersyon, bisitahin ang Sangfor Community website > I click ang Self Services at I click ang “Download” na opsyon.

Ikalawang hakbang.  Kapag nasa Download na, piliin at i click ang VDI na produkto.

Sa loob ng VDI, pwede mong piliin ang bersyon ng VDI na gusto mong i download.

Ikatlong hakbang. Kung meron ka ng napiling bersyon, pumunta sa VDI at piliin ang Report Center Sev Intall, i click ang download na icon.

Paalala: Ang bersyon ng download report center ay dapat pareha sa VDC at VMP na ginagamit.

Ikaapat na hakbang. Pagkatapos ma download ang file, kinakailangang i unzip ito dahil ang file ay naka zip pagkatapos i download.

Ikalimang hakbang.  Mag double click sa application file at i click ang Next.

Tanggapin ang terms agreement, I click ang “Next”.

I click ang “Install” at hintayin na matapos ang pag install.

Pagkatapos ma install, I click ang “Close” button.

Ikaanim na hakbang.  Kumpirmahin kung ang installation ay natapos na sa pamamagitan ng pag access gamit ang IP address na https://127.0.0.1/ sa browser ng server. Sa ibaba, makikita na matagumpay nating na install ang ReportCenter.

Mga kinakailangan sa gagamiting browser:
·       Chrome42 o pataas na bersyon
·       Firefox18 o pataas na bersyon
·       IE10 o pataas na bersyon

Address ng WebUI login : https://ReportCenter IP

Mga uri ng administrator:


Ikapitong hakbang. Bumalik sa Virtual Desktop Controller para i configure at magconnect sa Report Center. Mag login sa VDC WebUI. Pumunta sa System > System > Report Center.

Ikawalong hakbang.  Lagyan ng tsek ang“Enable Report Center” na kahon. Ilagay ang IP address ng server na nalagyan mo ng Report Center at ilagay ang 443 bilang port. Ito rin ang port na ginagamit na default.

Ikasiyam na hakbang.  Pagkatapos I click ang“Test Connectivity” button para siguraduhin na nakakakonek sa server na nilagyan mo ng Report Server. I click ang “Save” button.

Ikasampung hakbang. Pagkatapos i click ang “Save” button, ang Status ay lilipat galing sa “Error” papuntang “On”.
-TAPOS NA-

Like this topic? Like it or reward the author.

Creating a topic earns you 5 coins. A featured or excellent topic earns you more coins. What is Coin?

Enter your mobile phone number and company name for better service. Go

Sangfor Jojo Lv5Posted 03 Aug 2022 15:51
  
Every article you write is just a unique experience. 
Maxon Lv1Posted 04 Aug 2022 14:23
  
Such a great piece!
jetjetd Lv5Posted 04 Aug 2022 19:13
  
I hope my fellow Filipinos will appreciate my hardwork on this content and find it useful by putting a like into it.

Trending Topics

Board Leaders